News

Parangal para sa Kauna-unahang Leoncio P. Deriada Literary Prize, Isinagawa

Parangal para sa Kauna-unahang Leoncio P. Deriada Literary Prize, Isinagawa

Iginawad ang mga premyo at parangal sa mga nanalo sa kauna-unahang Leoncio P. Deriada Literary Prize nitong nakaraang Biyernes, Agosto 19, 2:00 ng hapon, sa Sentro ng Wikang Filipino.  Ang mga nagwaging manunulat na mga mag-aaral ng UP Visayas ay ang mga masunod:

Tula sa Wikang Rehiyunal

 

Unang Gantimpala:  “Sa Punta Sadtong Maduagon nga Balangaw kag Iban pa nga mga Binalaybay”

Orland A. Solis

Ikalawang Gantimpala: “Kuwadro: Apat ka Binalaybay 

                  sa Baraha”

Jhio Jan A. Navarro

Tula sa Iba pang mga Wika

 

Unang Gantimpala: “Mga Tula Bilang Epilogo”

Rodmar G. Arduo

Ikalawang Gantimpala: “Poetika: Tatlong Tula sa Tula”

Jhio Jan A. Navarro

Maikling Kuwento sa Wikang Rehiyunal

 

Unang Gantimpala: “Sab-og”

Orland A. Solis

Ikalawang Gantimpala: “Si Patpat kag ang Manok 

                    nga Ilahas”

Jessa S. Payofelin

Maikling Kuwento sa Iba pang Wika

 

Unang Gantimpala: “Wings for Flight”

Liane Carlo R. Suelan

Ikalawang Gantimpala: “Arson”

Domingo M. Aguillon III

 

Ang patimpalak ay pinasimulan ng Division of Humanities bilang pagpupugay at pagpapatuloy ng alaala para sa premyadong manunulat at Professor Emeritus ng dibisyon, Dr. Leoncio P. Deriada, na naging unang Pangkalahatang Tagapag-ugnay ng UPV Sentro ng Wikang Filipino at tinagurian ng mga kritiko bilang Ama ng Kontemporanyong Panulatan sa Kanlurang Bisayas. Katuwang ng UPV Sentro ng Wikang Filipino sa gawaing ito ang Division of Humanities at Hubon Manunulat. Ang mga nanalo ay nakatanggap ng Sertipiko ng Pagkilala at premyong naghahalaga ng P5,000.00 para sa unang gantimpala at P2,500.00 para sa ikalawang gantimpala. Ang mga premyo ay kinalap ng Division of Humanities sa pamamagitan ng mga donasyon ng mga dating estudyante ni Dr. Deriada at ng mga tanyag na manunulat na kumilala sa kanya bilang kanilang tagahubog o mentor sa pagsusulat.

Related Articles

Campus news writers earn training

Executive offices welcome new year well-wishers

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES VISAYAS

Copyright © 2024

Information and Publications Office
1/F New Administration Building
University of the Philippines Visayas
Miagao, Iloilo 5023
Telephone Number: +63 33 315 9494
Comments/Feedback: ipo.upvisayas@up.edu.ph

PRIVACY NOTICE FOR FOI
DATA PRIVACY