News

Pagsasanay sa pagtuturo ng gramatika at pagbasa inilunsad ng UPV Sentro ng Wikang Filipino

Pagsasanay sa pagtuturo ng gramatika at pagbasa inilunsad ng UPV Sentro ng Wikang Filipino

Kaugnay ng selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2024, inilunsad ngayong araw ng UP Visayas Sentro ng Wikang Filipino ang apat na araw na training workshop na may temang Tib-ong WIKA: Rehiyonal na Pagsasanay sa Pagtuturo ng Gramatika at Pagbasa Gamit ang Primer.

Nakatakdang tumagal mula Agosto 27 hanggang Agosto 30, layunin ng training workshop na palakasin ang kakayahan ng mga guro at estudyante mula sa iba’t ibang institusyong pang-akademiko sa pagtuturo ng gramatika at pagbasa gamit ang primer. Pangungunahan ng kilalang mga eksperto tulad nina Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco, isang professorial lecturer mula sa UP Mindanao, at Maria Cecilia Osorio-Van Zante, miyembro ng SIL Philippines, ang serye ng mga talakayan at workshop.

Tampok sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa mga kilalang institusyon tulad ng Railway Child Development Center, Gen. Hughes Child Development Center, Guimaras State University, at Iloilo Science and Technology University Miag-ao Campus. Dumalo rin ang ilang kinatawan mula sa iba't ibang City Social Welfare and Development Offices (CSWDO) ng La Paz, Molo, Jaro, Arevalo, Lapuz, at City Proper.

Sa kanyang pambungad na panayam, binigyang-diin ni Dr. Nolasco ang mahalagang papel ng Filipino at Mother Tongue bilang wikang panturo at ang pangangailangang linangin ang mga metodolohiya sa pagtuturo nito upang higit na maging epektibo ang pagkatuto sa mga paaralan. Ayon sa kanya, “Ang pagpapayaman sa wikang Filipino at Mother Tongue ay hindi lamang tungkulin ng mga akademiko, kundi ng bawat Filipino.” 

Sa pagsasara ng kumperensya, inaasahang magiging mas mahusay ang mga guro sa pagtuturo ng Filipino at pagbasa sa mother tongue, habang mas magiging handa naman ang mga estudyante sa paggamit ng wika sa akademya at sa pang-araw-araw na buhay.

Related Articles

Campus news writers earn training

Executive offices welcome new year well-wishers

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES VISAYAS

Copyright © 2024

Information and Publications Office
1/F New Administration Building
University of the Philippines Visayas
Miagao, Iloilo 5023
Mobile Numbers: +639660532884 / +639617950005
Comments/Feedback: ipo.upvisayas@up.edu.ph

PRIVACY NOTICE FOR FOI
DATA PRIVACY