General Assembly of members of UP Provident Fund
August 15, 2020 (Saturday)
- 9:30 AM - Start of Zoom Login
- 10:00 AM - Official Start of Meeting
Register here: https://us02web.zoom.us/webinar/register/WN_7Rz8layKRZWsaRr2rNl6bA
Lahat ng miyembro ng UP Provident Fund ay inaanyayahang dumalo sa ating Annual General Membership Meeting (AGMM) na gaganapin sa Agosto 15, 2020 (Sabado), 9:30 AM gamit ang "remote communication" via Zoom platform.
Mangyaring mag-register sa https://tinyurl.com/2020agmm bago ang Agosto 15, 2020 para makuha ang Zoom meeting link at iba pang detalye tungkol sa AGMM.
Kung hindi makakadalo, maaari kayong mag-fill out at mag-submit ng Proxy Form para magkaroon ng representasyon sa pagboto sa tulong ng Chairman (UP President). I-contact ang aming opisina para makakuha ng kopya ng Proxy Form.
Ilang araw pagkatapos mag-preregister ay makakatanggap kayo ng confirmation email (na naglalaman ng Zoom meeting link, Meeting ID, at Password) kung kayo ay approved at eligible na um-attend sa Online AGMM. Kung wala kayong Zoom account o nahihirapang maka-connect, maaari ring mapanood ang livestream ng AGMM sa Facebook page ng UP Provident Fund.
Pero bilang incentive sa mga dadalo sa Online AGMM, may ipamimigay na cellphone load at gift certificates bilang papremyo sa first 5 Early Bird attendees at Major and Grand Prize winners sa online raffle na gagawin via Zoom!
Ang mga miyembrong present sa Zoom habang ginagawa ang raffle ang siya lamang eligible manalo ng raffle prizes. Hindi eligible mabigyan ng premyo ang mga miyembrong nag-register pero hindi dumalo sa Online AGMM o nanonood lamang ng Facebook livestream.
Maraming salamat po.